Black Panther: Walang Forever

From ‘Wakanda Forever’ to ‘Walang Forever’

Ito ang bad news para sa mga Marvel fans dahil kinumpirma ng British actor na si Daniel Kaluuya na hindi na ito babalik bilang si W’kabi sa 2nd installment ng Black Panther na Black Panther: Wakanda Forever.

Sa interview ng Rotten Tomatoes Awards para sa pelikulang ‘Nope’ na pinagbibigahan ni Kaluuya, kinumpirma nitong hindi tumugma ang schedule nito sa filming ng part 2 ng nasabing MCU film.

Ang pelikulang ‘Nope’ ay isa lang sa mga projects na pinagsamahan ni Kaluuya pati na rin ang director at komedyanteng si Jordan Peele. Ito ay maliban pa sa 2017 horror film na ‘Get Out’ ; at 2019 horor film na ‘Us’ kung saan ay lasama rin niya ang iba pang Black Panther stars na sina Lupita Nyong’o, at Winston Duke.

Ang karakter ni W’kabi ay ang best friend ni King T’challa na ginanapan naman ng yumaong si Chadwick Boseman.

Hindi pa naman malinaw sa ngayon kung ano ang plano ng Marvel Studios sa karakter ni W’kabi.

Una naman nang kinumpirma na hindi na ire-recast si Boseman sa lead role nitong King T’chala sa Black Panther 2 matapos pumanaw noong 2020 dahil sa colon cancer.

Matapos ang delays sa production dahil sa COVID-19 at iba pang isyu, tuloy na tuloy na ang showing ng Black Panther: Wakanda Forever ngayong Nobyembre.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *