Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons frozen wish sa wet markets mula October 1 hanggang December 31, 2024.

Ayon kay DA spokesperson Nazzer Briguera, makatutulong ang hakbang na ito upang maging matatag ang presyo ng isda sa panahon ng closed fishing season.

Magkakaroon daw kasi talaga ng gap sa suplay sa sandaling sarado ang mga pangunahing fishing grounds.

Mababatid na ang naturang dami ng aangkating isda ay higit na mas mababa kumpara sa pinahintulutang 35,000 MT noong nakaraang taon.

PAMALAKAYA – pumalag

Kinontra ng grupo nga mga mangingisda ang desisyon ng pamahalaan na mag-angkat ng 25,000 metric tons ng frozen fish para sa mga palengke.

Giit ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), magkakaroon ng negatibong epekto sa local fisherfolks ang gagawing importation.

Binigyang-diin din ng grupo na silang maliliit na mangingisda ang tunay na tatamaan ng importasyon dahil ‘di hamak na mas mura ang imported kaysa sa kanilang lokal na produkto.

Mababatid na una nang sinabi ng Department of Agriculture na pinahintulutan nila ang pag-angkat ng isda ng bansa dahil patatatagin nito ang presyo ng nasabing agri-product.

Sa kabila niya, sinabi ng PAMALAKAYA na hindi nag-i-stablize ang presyo dahil mga traders ang nagtatakda ng presyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *