Pinacanauan bridge sa Cagayan, pinondohan na ng 2.1 bilyon pesos

Pinondohan na ng Department of Public Works and Highways ng 2.1 bilyon pesos ang konstruksiyon ng Pinacanauan Bridge matapos isagawa ang groundbreaking ceremony sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa ahensya, ang nasabing tulay ay papalitan ang overflow bridge na kumukonekta sa Tuguegarao City, PeƱablanca, Cagayan at lalawigan ng Isabela.

Mapapabilis din dito ang biyahe papuntang Metro Manila dahil hindi na kinakailangang dumaan pa sa hilagang bahagi ng siyudad at inaasahang aabot sa 6,000 na biyahero ang dadaan dito.

Ang naturang tulay ay magkakaroon ng four-lane road na may habang 1.38 kilometers kung saan inaasahang magiging matibay ito anumang lagay ng panahon.

Bukod dito ay iminungkahi rin ang paglalaan ng pondo para sa konstruksyon ng parallel bridge sa oras na matapos na ang tulay.

Sa ngayon ay mayroong 150 milyon pesos na iniyal na pondo ang nasabing tulay sa ilalim ng General Appropriations Act para sa financial year 2022-2029.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *