Pinakamalaking Balikatan Exercises 2024 – lumarga na

Nag-umpisa na kahapon ang pinakamalaking Balikatan 2024.

Pinangunahan ito ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawer Jr. At US exercise Director Lt.Gen. William Jurney.

Magtatagal ang Balikatan exercise Hanggang sa May 10.

Lalahukan ito ng mahigit 16 na libong mga sundalo mula sa Pilipinas at US.

Kinabibilangan ito ng 5,000 AFP Personnel, 11,000 US military personnel na kinabibilangan ng 3,700 U.S Marines, 1,200 soldiers, 4,000 US Navy personnel, 400 airmen at Air National Gurafsmen, at 750 U.S Special Operations Forces.

Kasama rin ang mga contingents mula sa Philippine National Police at sa kauna-unahang pagkakataon – lalahok din ang Philippine Coast Guard.

Maliban diyan, sasali rin sa naturang pagsasanay ang mga sundalo mula sa Australian Defense Force gayundin ang French Navy sa kauna-unahan ding pagkakataon.

Samantala, isasagawa naman sa Exclusive Economic Zone ng bansa ang 10 araw na Multilateral Maritime Exercise sa pagitan ng Pilipinas, US, at French Navies bilang parte ng pagsasanay. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *