Breastfeeding at iba pang nakapalaman sa gender and development program sa Naga kapos pa rin sa pondo sa kabila ng pagiging National Awardee 

NAGA CITY – Muling nasungkit ng LGU-Naga sa ikalawang pagkakataon ang pagkilala ng Philippine Commission on Women sa tatlong programang nakapalaman sa Gender and Development Program ng lungsod na kinabibilangan ng Bantay Familia, Grow Negosyo at Breastfeeding Program, sa ginanap na 2nd Gender and Development Local Learning Hub Assembly sa Metro Manila, sa  kabila ng kakapusan ng pondo ng mga ito kung ihahambing sa mga nakatunggali sa national competition.

Sa panayam ng mga taga media at ng Brigada News FM Naga kay City Vice Mayor Cecilia “nene” de Asis na siyang tumanggap ng Re-Certification para sa City Government, sinabi nitong iyong mga kakompetensiya nilang ibang lokal na pamahalaan noong isang linggo  ay halatang pinondohan ang mga programa at aktibidad na kinopya nga lamang sa Naga City.

Pinaliwanag ng bise alkalde na isa sa mas paiigtingin pa nila ay ang Breastfeeding Program bagamat ipinatutupad na ito, kailangan na i-level up para sa muling susunod na 3 years re-certification.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *