Pinoy workers, mas pabor sa ‘hybrid work setup’

Ngayong unti-unti nang nagbubukas ang komersyo at nagsisibalikan na rin sa opisina ang mga empleyado para pisikal na magtrabaho – mayorya pa rin ng mga Filipino employees ang nagsasabing pipiliin nilang magkaroon ng ‘hybrid’ setup.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng tech firm na Cisco, lumabas na 59.6% ng mga empleyado ang puapabor sa hybrid work arrangement.

Ibig-sabihin, magiging flexible ang work schedules at mayroong mga working days na work-from-home lamang ang isang empleyado – habang mayroon namang mga araw na papapasukin sila sa kanilang opisina.

Lumabas sa Cisco study na 89.2% ng mga empleyado ang naniniwalang gumanda ang kanilang overall well-being dahil sa hybrid set-up; habang 92.2% din ang nagsasabing mas naging masaya sila dahil dito.

Dahil sa tindi ng trapiko sa mga pangunahing lansangan, isa sa tinuturong dahilan kung bakit pinili ng mga respondents ang hybrid set-up ay mas makatitipid sila sa pamasahe, at maiiwasan na ang nakapapagod na commute.

Sa kabila nito, tanging 29.1% lamang ng mga employers nag nagsasabing handa na sila sa ganitong uri ng work arrangement; 67% ng employers ang nagsasabing isa itong hamon sa mga remote workers; habang 71.1% ang nagsasabing magkakaroon ng ‘challenges’ ang kanilang mga kasamahan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *