PNP, ‘di isinasantabi ang anggulong ‘work-related’ ang pamamaslang kay Percy Lapid

Personal na nagtungo si Philippine Naitonal Police chief Gen. Rodolfo Azurin sa burol ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ay para magpaabot ang PNP chief ng pakikiramay sa mga naulila ni Lapid.

Dito ay muling tiniyak ng hepe na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng brodkaster.

Bago ito, unang sinabi ni National Capital Region Police Office o NCRPO spokesperson Lt. Col. Dexter Versola sa isang panayam na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang pamamaslang kay Lapid.

Matatandaang kasing mahigpit na kritiko ng Duterte at Marcos administrasyon si Lapid.

Ayon kay Versola, mataas ang tiyansang may kinalaman ang krimen sa mga maaanghang na salita ng napaslang na radio anchor.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Justice spokesperson Atty. Mico Clavano na makikipagtulungan na ang National Bureau of Invetigation sa PNP para matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

Ayon kay Clavano, katuwang na ng PNP ang NBI sa binuong special investigation task force para rito.

Iniimbestigahan na rin ang dash cam at CCTV footages sa krimen.
#

RELATED STORIES:

NUJP, NPC, kinundena ang pamamaslang kay Percy Lapid

PBBM ipinag-utos ang imbestigasyon sa pananambang sa broadcaster na si Percy Lapid

Abalos nag-alok ng P500K para sa impormasyon ng mga suspek na pumaslang kay Percy Lapid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *