PNP, mayroon ng POI sa pamamaril sa 2 namatay na indibidwal sa Maguindanao del Norte

Mayroon ng persons of interest ang Philippine National Police sa nangyaring pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kaninang pasado ala 6 ng umaga.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang manhunt operations sa mga nasa likod ng pamamaril na ikinasawi ng 2 inidbiwal at ikinasugat ng 4 na iba.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Juhaimin Ube at isang Alias “Mistake”

Habang sugatan naman sina Mohalidin Solaiman , Jerik Alon , Nasrudin Salik at Harong Tating.

Samantala batay sa ulat ng Police Regional Office BARMM kinilala nila ang mga suspek sa pamamaril na sina
Romar Abas alias Mok at Keds Lidasan alias Keds mga natukoy na gunman at mga kasama nilang sina Michael Abas , at Teng Kapaya

Sinabi ni Acorda , magpapadala sila ng dagdag-pwersa ang PNP sa Maguindanao del Norte.

Kukunin ang pwersa sa reserve force ng PNP.

Sisikapin umano nilang ‘wag magkagulo at ipatutupad ang kaayusan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *