Botohan sa isang presinto sa Puerto Princesa, naantala

Naantala ang botohan sa barangay at sangguniang kabataan sa cluster precinct no. 90 ng Pilot Elementary School sa Puerto Princesa kaninang umaga.

Ayon sa miyembro ng electoral board ng presinto na si Regent Magbanua, bandang alas-onse pumasok ang ilang ka-tao bago pinunit ang mga unused ballot forms habang ginaganap ang halalan.

Ang mga pumunit din ang nag-petisyon sa ilang botante ng umano’y “flying voters”.

Ginawa raw nila iyon para hindi na maka-boto ang mga hindi taga-barangay Princesa.

Sa presinto bumuboto ang mga taga- Barangay Princesa na may naglalaban na dalawa sa pagka-kapitan at may naglalaban na labing-anim (16) na sangguniang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *