PNP nag-deploy ng  mahigit 800 na pulis para i-secure ang mga paaralan at mga lugar na apektado ng NPA sa Masbate

Nag-deploy ng mahigit 800 na mga tauhan ang Philippine National Police sa Masbate para i-secure ang mga paaralan at iba pang lugar kasunod ng sunod-sunod na bakbakan na kinabibilangan ng pagpapasabog ng improvised bomb ng mga hinihinalang rebeldeng komunista sa tatlong bayan ng lalawigan noong nakaraang linggo.

Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., na ang deployment ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakilusin ang pulisya sa paghabol sa mga rebeldeng komunista sa Masbate at iba pang lugar sa Bicol region.

Sinabi ni Azurin na may kabuuang 859 PNP personnel ang idineploy para magbigay ng seguridad ang mga paaralan sa  Masbate, 659 dito ay organic personnel mula sa mga istasyon at karagdagang 200 augmented personnel mula sa Regional Mobile Force Battalion 5 at Provincial Mobile Force Company ng Masbate.

Nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng mga awtoridad at mga rebelde noong March 20 at nakagambala sa mga katibidad sa paaralan  sa ilang lugar sa bayan ng Placer, Dimasalang at Cawayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *