PNP, umapela sa mga pro at anti protesters na panatiliin ang kapayapaan sa SONA

Umapela ang Philippine National Police sa mga raliyista at magdaraos ng programa para sa SONA sa Lunes na panatiliin ang kapayapaan.

Ito ay makaraang payagan na ng Quezon City LGU ang kapwa anti-administration at pro-administration na makapagsagawa ng kani-kanilang mga rally.

Ayon kay NCRPO spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson, umaasa umano silang susunod ang mga raliyista sa mga protocols at government guidelines.

Nanawagan ito sa mga grupo na panatiliin pa rin ang order at kapayapaan sa Lunes.

Muli naman nitong tiniyak na paiiralin pa rin nila ang maximum tolerance pawa maiwasan ang tensyon.

Pinaalalahanan din ni Tecson ang mga dadalo sa rally na sumunod pa rin sa mga minimum health standards lalo na ang pagsusuot ng face masks.

Una nang sinabi ng PNP na sisiguruhin nilang hindi magpa-pangabot ang dalawang grupo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *