Rollback, asahan sa susunod na linggo

Kumpirmado na ang ika-apat na sunod na linggong rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa abiso ng mga oil industry sources, inaasahan ang P1.60 hanggang P2.10 na tapyas sa kada litro ng diesel.

Posible naman ang P0.10 hanggang P0.60 na rollback sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene naman, inaasahan din ang P1.00 hanggang P1.50 na bawas sa presyo ng kada litro nito.

Bago ito, una nang sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad na mayroong dalawang tinitignang dahilan ngayon sa pagbaba ng preyo sa world market.

Kabilang na rito ang intermittent lockdown sa China na nagrersulta sa mababang demand ng fuel.

Posible rin umanong naka-apekto ang tuluy-tuloy na pagtataas ng mga interest hikes sa iba’t ibang central banks sa mundo.

Asahang ia-aanunsyo ang opisyal na price adjustment sa Lunes, habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *