Police presence sa San Jose CamSur paiigtingin kaugnay ng Semana Santa

CAMARINES SUR – Nakaalerto na ang mga personahe ng San Jose Municipal Police Station ngayong darating na semana santa at summer vacation katuwang ang iba pang ahensya at force multipliers.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Captain Ryan Ocampo, sinabi nitong nakakalat na ang kanilang mga kasamahan sa dalawang malaking simbahan sa nasabing bayan. Inilunsad na rin aniya ang Oplan Summer Vacation (SumVac) 2024 sa pamamagitan ng pagpapaigting ng police presence sa mga pasyalan na dinadagsa ng tao.

Samantala una na ring nagpaalala ang opisyal sa publiko, partikular na sa mga deboto at mga bakasyunista na maging maingat pa rin at bantayan palagi ang mga gamit na dala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *