Presyo ng karneng manok sa Olongapo pumapalo pa rin ng 180-190

Pumapalo pa rin ng mula sa 180 pesos ang presyo ng buong karneng manok sa lumang palengke ng Olongapo City.

Sa choice cut naman ay umaabot ng 190 ang kada kilo base na rin sa pag-iikot ng BNFM kaninang umaga.

Ayon sa isang nagtitinda na si Agnes Lat, mataas na rin ang bigay sa kanila ng supplier at umaabot na ito sa 170 pesos.

Sa presyo namang 180-190 kada kilo na bigay para sa mga mamimili ay maliit na lamang rin umano ang kinikita ng mga manininda dahil sa iba pa nilang expenses o binabayaran.

Samantala base naman sa nakalipas na monitoring o Bantay Presyo ng City Agriculture Office ng mula May 31 hanggang June 6, ang presyo ng kada kilo ng whole chicken ay nasa 180 hanggang 210 pesos.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *