Presyo ng mga noche buena products, patuloy na minomonitor ng DTI Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patuloy ang pag-iikot at pag-iinspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur sa mga pamilihan upang patuloy na mamonitor ang mga presyo ng mga noche buena products ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Jay Ablan, Provincial Director ng DTI Camarines Sur, may mga noche buena products na bahagyang tumaas, may mga bumaba at mayroon din namang nananatili sa kanilang kasulukuyang presyo.

Batay din sa kanilang pag-iikot, wala pa namang lumalabag sa mga itinalaga nilang Suggested Retail Price (SRP). Aniya, price guide lamang ito. Kung may pagtaas man, agad nila itong nirerekord at inirereport sa central office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *