Mahigit P3M na halaga ng good lumber naharang ng mga awtoridad

Sa ikinasang Counter Action Operation ng Coast Guard Sorsogon katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, naharang ng mga ito ang 61 piraso ng undocumented good lumber sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 6, Brgy Bulo, Matnog, Sorsogon.

Ang mga tabla ay nakasakay sa isang 10-wheeler Isuzu Giga Wing Van Truck na bumibiyahe mula Lopez, Quezon patungong Allen, Northern Samar.

Nabigo ang driver at kasama nito na magpakita ng valid na dokumento kaugnay sa legalidad ng kanilang kargamento, na nagresulta sa kanilang pagkakahuli at pagkumpiska sa nasabing kontrabando.

Ito ay isang paglabag sa section 77 ng PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

Ayon sa ulat, ang mga nasabat na tabla ay may kabuuang halaga na P3, 962,742.00.

Naiturn-over na ang mga ito sa DENR-R05 para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *