PRO 12, nakatanggap ng 13 bagong patrol jeeps

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ang Police Regional Office o PRO 12 ng 13 mga bagong patrol jeeps mula sa PNP National Headquarters.

Ang blessing ng 13 units ng Patrol Jeep Toyota Hilux 4×2 single cab ay pinangunahan ni regional director Police Brigadier General Jimili Macaraeg at Police Major General Ronaldo Olay, directorate for logistics.

Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas mapapaigting pa ang operasyon ng mga otoridad sa pagpapanatili ng peace and order sa kani-kanilang mga lugar.

Maliban dito, pinasinayaan din ang bagong taong gusali ng PRO 12 na magsisilbing venue ng mga ito para sa kanilang training, meeting, at iba pang administrative at operational activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *