PRO-3 PBGen Director Pasiwen, pinayuhan ang mga 3rd level officer ng PRO-3 na huwag paapekto sa “courtesy resignation” issue

Pinayuhan ni Police Regional Office 3 Director PBGen Cesar Pasiwen, ang mga 3rd level officer sa rehiyon na huwag paapekto sa “courtesy resignation” issue.

Sinabi ito ni Pasiwen sa flag raising ceremony kahapon sa Camp Olivas.

Ani Pasiwen, huwag hayaan na maapektuhan ang kanilang trabaho dahil lang sa naging hamon ni DILG secretary Benhur Abalos na mag submit ng courtesy resignation ang mga generals at colonels.

Nilinaw rin nito sa mga personnel ng PRO3 na ang naturang issue ay hindi problema sa kanilang organisasyon, bagkus isa lamang itong test of character.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *