Provincial IMT ipinalaala ang pagkuha ng travel pass sa lahat ng mga nais pumasok sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Muling ipinaalala ng Provincial Incident Management team na kailangang mag-apply online sa pamamagitan ng www.camnortetravelpass.com para makapasok sa lalawigan

Isa sa hinihinging dokumento ay ang negative rapid antigen test o saliva test result na kinukuha mula sa Philippine Red Cross

Ayon kay  Atty Don H. Culvera, Unified Incident Commander, Sa boundary sa Brgy. Tabugon, Santa Elena, tanging  ang mga papasok lamang sa Camarines  Norte ang papayagang sumailalim  sa rapid antigen test  at hindi ang  mga papunta sa ibang lalawigan.

Ang rapid antigen booth sa dalawang borders ng Camarines Norte ay itinalaga para sa mga biyaherong hindi nakapagpa-rapid antigen test sa pinanggalingan nilang lugar.

Samanatala, Pinagsusumite naman ang Provincial Health Office ng summary ng mga nagpositibo sa rapid antigen test mula sa operasyon ng dalawang rapid antigen test booth sa boundaries ng Tuaca, Basud at Tabugon, Santa Elena.

Mula doon ay malalaman kung ilan naman ang kumpirmadong nagpositibo sa RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) o mas kilala sa tawag na swab test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *