Provincial Planning and Development Office, isinasaayos na ang provincial development and physical framework plan ng Albay

LEGAZPI CITY – Isinasaayos na ng Provinicial Planning and Development Office ang kanilang ginagawang Provincial Development and Physical Framework Plan sa Albay.

Ayon kay OIC Provincial Planning Coordinator, Arnold Onrubia, ito ay naglalaman ng pangmatagalang mga plano, layunin, target at development goals na kinabibilangan ng mga programa at mga kaugnay na aktibidad.

Magsisilbi umano itong gabay para sa mga investment programming ng lalawigan at maging sa pag-implementa ng sektor ng budgeting at planning.

Sa ngayon, apat na policy areas ang kanilang tinututukan partikular ang production, protected, settlement at infrastructure areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *