PSA nanindigang accurate ang datos sa inflation, pinagdadaanang proseso ipinaliwanag

CAMARINES NORTE- Nanindigan ang Philippine Statistics Authority (PSA) na tama o “ accurate” ang datos sa inflation rate  o bilis ng pagalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na kanilang inilalabas buwan- buwan.

Kasunod yan ng naging pahayag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang Press Briefing sa Malakanyang kamakailan na hindi sumang ayon sa  6. 1 inflation rate noong Hunyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte Chief Statistical Specialist Maria Dulce  Padayao sinabi nito na hindi basta- basta ang pinagdadaanang proseso ng survey na kanilang ginagawa.

Aniya, mayroong market basket ng mga commodities na food at non- food items gayundin ng mga serbisyo na kanilang sinu- survey.

Ginagawa umano ang survey sa mga unang araw ng buwan dahil dito madalas nagkakaroon ng pagalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Mayroong mga outlet sa iba’t ibang bayan na regular na pinupuntahan ng PSA personnel para i-monitor ang mga presyo.

Bukod dito nagsasagawa rin ng survey ang PSA sa kalagitnaan ng buwan para sa mga outlet na mayroong active market activity.

“I will give assurance na- accurate ang data namin because hindi yan basta ina- accept ng sina -submitan namin na siya na yan,” ani Padayao.

Ipinaliwanag din ni Padayao ang pinagdadaanang mahirap na proseso bago ma- determina ang inflation rate sa isang lugar.

“After namin ma-process yung data ditto, isu- submit namin sa division na in charge ng CPI (Consumer Price Index) sa national, nagpapadala yan ng mga verification sa amin to make sure na ito ba talaga, pag ito talaga ang presyo then make a justification, make a reason why nagtaas yun ng ganun ka- significant.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *