Public hearing kaugnay sa pag-amend sa Envi Code sa SoCot, isasagawa

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ng consultation dialogue o public hearing ang Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato kaugnay sa isinusulong na pag-review at amendment sa Environment Code ng probinsya.

Dahil dito, hinihikayat ng SP ang mga mamamayan na dumalo sa public hearing na gaganapin sa Municipal Gymnasium ng Tampakan sa February 18 at sa South Cotabato Sports Complex sa Koronadal City sa February 24.

Ito ay magsisimula alas-9:00 ng umaga.

Partikular sa isinusulong ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ang pag-amyenda sa Section 22 (B) ng Environment Code o ang pagtanggal sa open pit mining ban upang makapagsimula na ng kanilang operasyon ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI).

Naniniwala ang mga ito na malaki ang maitutulong ng operasyon ng Tampakan Copper-Gold project ng SMI upang maibsan ang epekto ng COVID 19 pandemic at mapaunlad ang ekonomiya at estado ng Blaan Community at mga IPs sa South Cotabato.

Samantala, mismo si Bishop Cerilo Casicas ng Diocese of Marbel ang umapela na sa SP lalo na sa Committee on Environment na pag-aralang mabuti ang pag-amend sa Envi Code at huwag itong madaliin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *