Aktibong kaso ng Covid-19 sa Tacurong mahigit 70 na!

KORONADAL CITY- MULING umakyat sa mahigit 70 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod ng Tacurong base sa datos ng City Health Office – City Epidemiology & Surveillance Unit.

Base sa datos, nasa 23 ang mga asymptomatic sa sakit, 43 ang mild at 7 ang moderate.

Dahil dito, umaabot na sa 2,606 ang naitalang kabuuang kaso simula noong 2020 na pinangungunahan ng Barangay Poblacion na may 610 at San Rafael naman na may pinakamababa na kaso na nasa 6 lamang.

Kaugnay nito, nasa mahigit 2,470 ang mga nakarekober sa sakit, 21 ang mga bagong aktibong kaso at 12 na mga bagong recoveries.

Samantala, mahigpit padin ang panawagan ng city government sa publiko na sundin ang mga health and safety protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *