Puerto Princesa, nakapagtala ng 54 COVID-19 deaths ngayong buwan.

Nakapagtala na ng 54 na binawian ng buhay sa  COVID-19 ang Lungsod ng Puerto Princesa ngayong buwan ng Nobyembre.

Base sa report ng Incident Management Team, kahapon, November 20, 2021 ay 53 ang naitalang nasawi  sa virus na kung saan ay 48 ang hindi bakunado habang 5 naman ang fully vaccinated.

Lumalabas naman sa datos, 34 dito ay RT-PCR confirmed habang 19 Antigen confirmed.

Samantala, ngayong araw ay 1 ang naidadag na namatay sa COVID-19 na mula sa Barangay Irawan kaya umakyat na ito sa 54.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *