School year end na Marso 2025, aprub! – guro

CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapusin ang school year 2024-2025 sa Marso 2025.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Princess Carla Siguenza, senior high school teacher sa isang paaralan sa Tigaon, Camarines Sur, sinabing kailangan nang maibalik sa dating school calendar ang pasok upang hindi na mahirapan ang mga mag-aaral. Mababatid na simula nang tumaas ang heat index sa probinsya, lumipat na sa modular at blended learning ang halos lahat ng paaralan.

Matatandaan na nabago ang school calendar simula nang magkaroon ng pandemya at para kay Siguenza, panahon na para ibalik ang dating nakasanayang school calendar ng karamihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *