Purefoods, wagi kontra Meralco sa Leg 4 ng PBA 3×3

Nagwagi ang Purefoods TJ Titans kontra Meralco Bolts 3×3 sa kanilang pagtatapat para sa fourth leg ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo na ginanap noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa score na 21-16 ay nagwagi ang Purefoods sa isang leg sa kuna-unahang pagkakataon sa unang conference ng PBA 3×3 event.

Ito na ang pinakahinihintay na panalo para sa TJ Titans, na dati nang nakapasok sa semifinals ng first at third legs, ngunit nabigo kalaunan.

Pumwesto ang TJ Titans sa ikatlong pwesto sa first leg at fourth naman sa third.

Maiuuwi naman ng TJ Titans ang P100,000 habang ang Bolts naman na nasa 2nd place ay mag-uuwi ng P50,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *