Pusa sa Michigan, kinilala ng Guinness bilang “Tallest Living Domestic Cat” sa buong mundo

KINILALA ng Guinness Book of World Records kamakailan ang isang pusa sa Michigan U.SA. bilang pinakamatangkad na pusa buong mundo.

Ayon sa Guinness, ang Savannah cat na si “Fenrir” na may taas na 18.83 inches ang siyang bagong record holder ng titulong “Tallest Living Domestic Cat” .

Ang naturang pusa ay pagmamay-ari ng doctor na si Dr. Will Powers ng Farmington Hills, at ayon sakanya ay nagsisilbing “therapy cat” si Fenrir sa mga pasyenteng nagpapa konsulta sakanyang klinika.

Napag-alaman din na ang dating may hawak ng nasabing Guinness title ay ang kapatid nito na sa kasamaang palad ay nasawi sa isang sunog.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *