SSS magbubukas ng mga programa para sa mga nabiktima ng Bagyong Karding

Inanunsyo ng Social Security System na magbubukas ito ng dalawang programa para sa mga myembro at pensioners na naapektuhan ng nakalipas na Bagyong Karding.

Ito ay ang Calamity Loan Assistance Program o CLAP para sa mga myembro habang Three-Month Advance Pension para sa SS at Employees’ Compensation pensioners.

Ayon sa SSS, ito ay i-ooffer lamang sa mga lugar na ideneklara o idedeklarang nasa ilalim ng State of Calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa ngayon ay isinasapinal na lamang ng SSS ang mga guidelines ng programa at ilalabas umano ito sa kanilang website at iba pang social medial channel kapag tapos na.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *