Putin, bumisita sa Iran para sa kanyang first trip simula noong Ukraine war

Bumisita si Russian President Vladimir Putin sa Tehran para makipagpulong kay Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

Ito ang unang trip ng Kremlin chief sa laban ng dating Soviet Union, simula nang simulan ang paglusob sa Ukraine.

Ang pagbisita ni Putin sa naturang bansa ay matapos ang tatlong araw nang bumisita naman si U.S. President Joe Biden sa Saudi Arabia.

Ayon kay Yuri Ushakov, ang foreign policy adviser ni Putin na ang kontak kay Khamenei ay napakahalaga.

Kaugnay nito, nabuo umano ang trusting dialogue sa pagitan ng dalawan, hinggil sa pinaka-importanteng isyu sa bilateral at international agenda.

Giit nito, na sa karamihan sa mga issues, close at identical umano ang kanilang mga posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *