Pag-akyat sa summit ng Mt. Mayon, bawal pa rin – Albay PDRRMC

BICOL—Bagamat ibinaba na sa zero mula sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Mayon ay nagbabala pa rin ang Albay PDRRMC laban sa pag-akyat sa tuktok nito.

Sa nasabing advisory, nakasaad na base sa analysis, nananatili ang panganib sa bulkan kahit nasa normal situation na ito dahil sa lava na naipon sa tuktok nito noong 2018 eruption na maaaring matibag o sumabog dahil sa mga pag-ulan.

Posible umano itong magdulot ng ashfall o volcanic cinders/bombs sa dalisdis ng bulkan patungo sa mga lugar na nasa loob ng 6km permanent danger zone.

Posible rin umanong matibag ang malalaking fragments ng lava deposits sa upper slopes ng bulkan at magdulot ng pyroclastic flow.

Nariyan din ang posibilidad ng rockfall oras na ma-trigger ng gravity o lindol ang mga rock fragments sa tuktok nito.

Magugunita na ibinaba ng Phivolcs sa Alert level 0 ang status ng Bulkan base sa July 30 bulletin dahil sa pagbaba na ng volcanic activities nito gaya ng mga pagyanig, ground deformation, sulfur dioxide emission, summit glow at iba pang physical parameters na naobserbahang bumalik na sa normal.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *