Red Cross – SoCot, magsasagawa ng training workshop sa mga do’s and don’ts sa pag-responde sa mga aksidente

KORONADAL CITY — MAGSISIMULA na bukas ang dalawang araw na training workshop ng Philippine Red Cross o PRC-South Cotabato Chapter ukol sa pagsasagawa ng first aid at iba pang importanteng bagay sa pag-responde sa mga aksidente.

Ito ang inihayag ni PRC-South Cotabato Chapter Administrator Erwin del Carmen sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay del Carmen, kabilang ito sa target nila upang mabigyan ng nararapat na kaalaman ang mga responders sa mga dapat at hindi dapat gawin sa pag-responde sa mga aksidente.

Apela nito sa publiko na itawag agad sa mga responders ang aksidente bago ito i-Facebook upang mailigtas ang mga biktima.

Paliwanag ni del Carmen na nasa 15 minuto ang pinaka-mahabang oras ng kanilang biyahe papunta sa lugar ng aksidente dahilan kung bakit importanteng maitawag agad ito sa kanila.

Hiling na lamang nito sa publiko na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa panahon na may nangyayaring aksidente.

Photo Credit to Philippine Red Cross – South Cotabato Chapter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *