Rehabilitated Port of Talaga sa Mabini Batangas, binuksan na

Pormal ng binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang Rehabilitated Port of Talaga sa Mabini Batangas.

Sa pamamagitan ng Build Build Build Project, maayos at malinis nang muli ang nasabing pantalan matapos itong isailalim sa rehabilitasyon.

Kasama sa isinagawang rehabilitasyon ang pagtatayo ng sarili nitong Port operations building kung kaya’t suhestiyon ni Transporation Secretary Arthur Tugade na magkroon na rin dito ng operasyon ng Roro na makakatulong na mapaluwag ang kalakalan hindi lamang lamang sa Mabini kundi sa buong probinsya ng Batangas.

Mababatid na mula sa Port of Talaga, karaniwang bangka lamang ang sinasakyan ng mga pasahero papunta sa kabilang Isla kung saan naroroon ang Port of Tingloy, pero dahil sa desisyon ngayon ng DOTr na magtayo ng Roro operations sa nasabing port, ay posibleng magkaroon na rin doon ng regular na byahe ng mga barko kung saan naka-ruta ito sa iba’t-ibang pantalan sa Batangas.

Ayon naman kay Mabini Mayor Noel Luistro, dahil sa congested na ang Port Of Batangas at Port of Bauan, malaking tulong umano ang Port of Talaga para mapabilis ang mga shipment ng mga negosyante.

Naniniwala naman ang mga residente sa Mabini na malaki ang magiging benepisyo ng posibleng operasyon ng Roro sa kanilang bayan.

Samantala, sa darating na Agosto ay sisimulan na ng DOTr ang konstruksiyon ng Roro ramp sa Talaga Port at susundan naman ng shipping facility kalaunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *