Pangulong Duterte, inimbitahan ni Sri Lanka Pres. Gotabaya Rajapaksa na bumisita sa kanilang bansa

Inimbitahan ng Presidente ng Democratic Socialist of Sri Lanka na si Gotabaya Rajapaksa si Pangulong Rodrigo Duterte na pumunta sa kanilang bansa upang mas pagtibayin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Sri Lanka pagdating sa iba’t-ibang larangan.

Ito ay kasabay ng naging usapan ng dalawang lider kamakailan para sa pag-alala ng 60 taong relasyong pangdemokratiko ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, positibo umano si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang imbistasyon ng lider ng Sri Lanka sa oras na maging normal na ang sitwsyon sa buong mundo.

Samantala, sa naturang pag-uusap ng dalawang lider, umaasa si Pangulong Duterte na mapapanatili ang magandang relasyon ng dalawang bansa at mapapalakas ang pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa sa United Nations sa mga isyu na may kinalaman sa parehong interes.

Bukod dito, nagpasalamat din ang gobyerno sa ibinigay na tulong ng Sri Lanka sa pagpapauwi ng mga Pilipinong naroroon na naapektuhan ng covid-19 pandemic kamakailan.

Sa panig naman ni President Rajapaksa, buong puso nitong pinasalamatan ang kooperasyon at suporta ng dalawang bansa sa multilateral venues kabilang na ang United Nations Human Rights.

Samantala, nagkasundo din ang dalawang lider sa paniniwalang ang paglaban sa covid-19 ay responsibilidad ng lahat ng bansa at ang paghanap ng bagong oportunidad sa larangan ng security at defense, trade and investment, labor migration at turismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *