Rescuelympics 2021 ng TOG2, matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ng Tactical Operations Group 2 katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Cagayan ang Rescuelympics 2021 na ginanap sa Cagayan Sports Complex Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, dinaluhan ang naturang aktibidad ng Municipal Disaster Risk Reducion and Management Office (MDRRMC) ng bawat bayan ng Cagayan.

Nagsagawa ang 505th search and rescue group personnel mula Clark Air Base, Pampanga ng helli rappel at collapsed structure search and rescue (CSSR).

Itinuro naman ng TOG2 sa pangunguna ng Group Director for operation ang paraan ng pagrescue sa mga pasyente gamit ang S-76A helicopter.

Layunin ng naturang aktibidad na ipakita ang response mechanism at suriin ang kahandaan ng mga responders sa oras ng kalamidad at pagsasagawa ng search and rescue operation.

Samantala, istrikto namang sinunod ng mga kalahok ang umiiral minimum health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *