Negatibong resulta ng RT-PCR test gagawing mandatory para sa mga turistang pupunta sa Calaguas Island

CAMARINES NORTE- Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Naglabas ng bagong kautusan si Vinzons Mayor Eleanor Segundo para sa lahat ng turistang bibisita sa Calaguas Island.

Nakasaad sa Executive order No. 20-2021 na nilagdaan ng alkalde na ang mga lokal na turista na manggagaling lamang sa loob ng Camarines Norte ay dapat:

  • May negatibong resulta ng rapid antigen test dalawang araw bago ang pagdating sa isla kada indibidwal
  • may confirmed booking reservation or itinerary mula sa DOT-accredited accommodation establishment sa Calaguas
  • Valid ID o barangay certification na nagpapatunay na ikaw ay residente sa  camarines norte at hindi maituturing na  PUM/PUI
  • Pinapahintulutan naman ang mula 10-66 na taong gulang para lamang sa leisure purposes

Habang sa mga Domestic tourist naman na mula sa ECQ, MECQ MGCQ at GCQ areas , bukod sa una ng nabanggit na requirements ay kinakailangan pa rin ang aprubadong travel pass application form mula sa kapitolyo

Binigyang diin ni Mayor Segundo na ito ay para sa kaligtasan ng bawat indibidwal.

(Photo courtesy: Go CamNorte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *