Resolusyon upang suportahan ang magna carta for public DRRM workers, inaprubahan

Suportado ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) ang pagsasabatas ng Magna Carta for public DRRM workers sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon ng konseho.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni OCD Region 2 Director Leon Rafael Jr. kung saan nakasaad sa resolusyon ang pagkilala ng kanilang konseho sa mga panganib na nararanasan ng mga manggagawa upang magampanan ang kanilang tungkulin.

Layunin din nitong matugunan ang working conditions ng mga DRRM frontliners maging ang kanilang psychological well-being.

Pumirma na ang mga DRRM workers sa rehiyon dos sa isang manifesto upang suportahan ang pagsasabatas ng nasabing panukala.

Matatandaan na noong ika-31 ng Enero ay inaprubahan ng House Committee on Disaster Resilience ang iba’t-ibang panukala sa pagsusulong ng Magna Carta for DRRM Workers na pinag-isa sa pamamagitan ng unnumbered substitute bill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *