In-house training ng mga atleta sa Cauayan City, nagsimula na

Nagsimula na ang in-house training ng mga atleta sa Lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit ng Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA.

Sa paunang panayam ng Brigada News Team kay SDO Cauayan City Schools Division Superintendent Cherry Ramos nasa 750 na mga atleta at coaches sa lungsod ang sasailalim sa in-house training sa loob ng labindalawang araw.

Nagbigay naman ng cash allowance para sa mga atleta ang Cauayan City Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Jaycee Dy.

Tiniyak naman ang seguridad at kaligtasan ng mga atleta sa kanilang pagsasanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *