Rhian Ramos, nag-tweet ng ‘something fishy’

Tahasang nag-tweet ang aktres na si Rhian Ramos na ‘something’ kasunod ang tatlong isdang emojis.

Kung i-interpret ang post ng aktres – isa itong expresyon na pinagsususpetiyahan ang nangyari o tila ba’y may naganap na dayaan.

Tingin naman ng mga follower ng aktres, baka tungkol ito sa resulta ng Miss Universe kung saan nabigong makapasok si Michelle sa Top 5.

Sinegundahan naman ng ilang netizens ang pahayag ni Rhian, inihayag ng mga ito na ‘Smells like something is cooked’ o luto ang laban.

Trending din sa X ang salitang ‘Robbed’ kaugnay sa saloobin ng karamihan na dinaya nga ang pambato ng Pilipinas na si Michelle.

Nabatid na naipanalo ng Nicaragua na si Sheynnis Palacioso ang naturang patimpalak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *