Rhys Miguel, inakusahan si singer-actor Patrick Quiroz ng inappropriate sexual behavior

Ibinunyag ni Rhys Miguel Eugenio na pinagsamantalahan umano siya ng singer-actor na si Patrick Quiroz.

Sa pamamagitan ng Instagram Live, tinanong ni Rhys ang kanyang followers kung kilala ng mga ito si Patrick Quiroz, kasunod ng kumakalat na ngayon na video sa social media.

Ayon kay Rhys, magkasama sila ni Patrick sa lock-in taping ng isang palabas, at unang naganap ang pambabastos nito sa isang babae na kasama nila sa taping.

Sumunod umano na insidente ay nung nagising siya sa kanyang kwarto, nagulat siya nang makita sa paligid ng kanyang kama ang nagkalat na tissues na puno ng semilya ng lalake.

Ayon kay Rhys, ang nagmamay-ari ng mga nagkalat na tissue na may semilya sa paligid ng kanyang kama ay si Patrick, bagama’t hindi na nito sinabi kung paanu niya ito nalaman.

Kasunod nito ay ikinuwento na ni Rhys ang pangmomolestiya na ginawa umano sa kanya ni Patrick, dahil nang magising na naman siya isang umaga, ay may ginagawa nang malaswa si Patcrick sa pribadong parte ng katawan ni Rhys.

Ayon pa kay Rhys, tatlong araw bago nangyari ang insidenteng iyon sa kanya, may ginawa rin umano si Patrick sa dalawa pa nilang talents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *