Sandara Park, Manny Pacquiao kapwa makikita sa Korean show ‘Knowing Bros’

Nakatakdang mag-reunite si Sandara Park at ang Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa isang TV guesting sa South Korean variety show “Knowing Bros.”

Kaugnay nito, labis ang excitement ng K-pop star, na kilala sa Pilipinas bilang ang “Pambansang Krung-krung,” para sa kanyang upcoming appearance kasama ang “Pambansang Kamao” para sa isang episode ng show.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Sandara ang stitched ng photo ng kanyang sarili at ni Pacquiao kasama ang Korean singer na si Kim Yohan, actors Yoon Hyungbin at Lee Hoo na bahagi rin ng naturang episode.

Samantala, si Pacquiao naman ay nakatakdang ma-meet si South Korea’s wrestling champion Kang Ho Dong sa variety show, batay sa ulat ng Korean news website Allkpop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *