Dalawang bagyo sa labas ng PAR mahigpit na binabantayan ng PAGASA

Tuluyan nang humina at naging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang ang bagyong ‘Maymay’.

Huli itong namataan sa paligid ng Casiguran, Aurora.

Dahil dito tinanggal na ng PAGASA ang lahat ng Tropical Cyclone Wind Signal.

Samantala, isa pang Low Pressure Area (LPA) namataan naman sa 535 km West ng Coron, Palawan.

Habang may dalawang active tropical cyclone sa labas ng PAR ang binabantayan at ang isa dito ay posibleng pumasok sa bansa ngayon araw.

Namataan ang isang bagyo sa 1,765 km silangan ng hilagang Luzon habang nasa 3,060 km silangan ng southern Luzon ang isa pa.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Aurora ay makakaranas ng Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA at Shearline.

Habang ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *