KORONADAL CITY – SISIMULAN na ang construction ng South Cotabato Integrated Rice Processing Center sa Barangay Liwanay ng Banga.
Ang naturang proyekto ay pinondohan ng P 43.1 million. Ang naturang pasilidad ang magpoproseso ng mga na-harvest na palay mula sa Consolidated Rice Production and Mechanization Program.
Kamakailan lang, nagsagawa na ng pre-construction activities ang DA 12-Engineering Division, Provincial Engineering Office, Provincial Agriculture Office, Kael Construction and Supply at iba pang stakeholders para sa Rice Processing Center III.