Robbery-holdup sa isang establisamiyento, patuloy na iniimbestigahan

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Castilla Municipal Police sa nangyaring panghohold-up sa isang tindahan ng lechon manok sa Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News sa hepe ng Pulisya na si PMAJ Divino John Pelea, pinag-aaralan na nila ang mga CCTV footages na kanilang nakalap at nakipagcoordinate na rin sila sa Daraga PNP dahil matapos na pagnakawan ang tindahan ng lechon manok sa kanilang area of responsibility ay nakita sa CCTV footage na tumakas ang mga salarin patungong direksyon ng Daraga, Albay at napag-alaman din nila na isang tindahan ng fried chicken naman ang nabiktima ng mga suspek sa naturang lugar.

Tumugma umano ang mga kasuutan ng mga suspek at motorsiklong ginamit sa Daraga sa mga suspek sa Castilla, Sorsogon.

Tinitingnan din nila ang posibilidad kung may grupo o iba pang kasamahan ang dalawang suspek na nag o-operate hindi lamang sa Sorsogon, maging sa ibang lugar sa Bicol.

Matatandaan na nitong Miyerkules, hinoldap ng dalawang suspek  na nagpanggap na cutomer ang Andok’s Cumadcad Branch at tinangay ang benta na nagkakahalaga ng aabot sa P11,992.00.

Ayon sa store supervisor na si Jason Jesalva, 7:30 ng gabi nang magkunwaring customer ang mga suspek habang ang isa ay bumunot ng baril at nagdeklarang holdap.

Nakasuot ng itim at maroon na jacket at may mga helmet ang mga salarin na matapos tangayin ang kanilang benta ay mabilis na tumakas patungong direksyon ng Daraga, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *