Robredo, ibinunyag na nakatutok umano ang bansa sa Pilipinas dahil sa isyu ng misinformation

Ibinunyag ni dating Vice President Leni Robredo, na maraming tao ang nakatuon sa Pilipinas mula sa buong mundo, dahil umano pagka-curious sa misinformation at disinformation problems ng bansa, at kung papaanu ito mareresolba.

Ayon kay Robredo, na keynote speaker sa ginanap na Konrad Adenauer Stiftung’s Solutions Conference on Fighting Fake News, Misinformation, and Disinformation, na marami ang nagre-request sa kanya na maging speaker sa academe, dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng interest sa kalagayan ng bansa hinggil sa naturang usapin.

Giit ng dating pangalawang pangulo, na ang naturang mga imbitasyon ay malinaw na indikasyon na nakasetro ang mga ng mga tao sa buong mundo sa Pilipinas, dahil nais umano nilang maintindihan kung papaanu napunta ang bansa sa sitwasyon ngayon.

Nais din umano ng mga ito na makuha ang aral mula sa karanasan ng Pilipinas hinggil sa naturang isyu, at maipatupd ito sa kanilang sariling konteksto.

Dagdag ng dating pangulo, na binansagan ng mga tao ang Pilipinas bilang ‘petri dish’ para sa mga entities na ginagamit ang social media para sa kanilang advantage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *