Sabayang pagbubukas ng linya ng kuryente sa Mindanao, Visayas, isinagawa ngayong hapon

Ginanap sa Palasyo ng Malacañang ngayong hapon ang ceremonial switch-on sa linya ng kuryente sa Manila, Cebu, at Lanao del Norte.

Bahagi ito ng Mindanao-Visayas interconnection project o MVIP ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nagkakahalaga ng 51.3 billion pesos.

Ang MVIP ay binubuo ng isang 184 circuit-kilometer na High-Voltage Direct Current submarine transmission line na nag-uugnay sa mga power grid ng Mindanao at Visayas na may transfer capacity na 450MW, na maaaring i-expand hanggang 900MW.

Kasama rin sa proyekto ang mga converter station sa parehong rehiyon.

Ayon sa NGCP, maituturing na makasaysayan ang naturang proyekto dahil sinimulan itong planuhin noong kapanahunan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at naisakatuparan lang ngayong panahon naman ng kanyang anak na si Pangulong Bongbong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *