Salceda, hahayaan ang House panel na tapusin ang imbestigasyon sa agricultural smuggling

Magbibigay-daan si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na siyang namumuno sa Committee on Ways and Means para sa House panel kaugnay sa imbestigasyon ng kapulungan hinggil sa pagtaas sa presyo ng sibuyas at agricultural smuggling.

Ang pahayag ni Salceda, ay matapos umano siyang humingi ng payo kay House Speaker Martin Romualdez hinggil sa naturang usapin, kasunod ng anim na mga pagdinig ng Committee on Agriculture and Food.

Mababatid na sa pagdinig ng ways and means panel, pinangalanan ang 10 umano’y big-time agricultural smugglers ni Suldan Kudarat 2nd district Rep. Horacio Suansing Jr.

Ang 10 personalidad ay nakatakda sanang dumalo sa isang subsequent hearing noong Jan. 30, pero kinansela sa last minute.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *