Same-sex marriage, aprub na sa buong Mexico

Legal na sa buong Mexico ang same-sex marriage.

Ito ay matapos makalusot sa kongreso ng Tamaulipas pag-iisang dibdib ng magkaparehong kasarian.

Ang Tamaulipas ang kahuli-hulihang state sa Mexico na nag-apruba sa pagpapakasal ng same-sex.

Ayon sa nagsulong ng reporma sa Civil Code for the State na si Nancy Ruiz, lahat ay makae-enjoy sa karapatang ito at walang pipilling estado ng buhay.

Matatandaaang ngayong taon, pitong estado na sa Mexico ang nag-apruba rito.

2010, unang pinahuntulutan ang same-sex union sa kabiserang Mexico City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *