Isa sa major projects ng Primewater na karagdagang 3 MLD Water Treatment sa Dogotdotan Filtration Facility sisimulan sa Nobyembre

CAMARINES NORTE- Sisimulan na sa Nobyembre ang isa sa major projects ng Primewater na makadaragdag sa capacity ng tubig na ibinibigay ng Dagotdotan Filtration Facility (DFF).

Inanunsiyo ito ng kumpanya sa pamamagitan ng kanilang official facebook page at ang completion ng proyekto ay sa March 2023.

Ito ay ang karagdagang 3 MLD Water Treatment sa DFF at ang makikinabang umano sa proyekto ay ang Basud, Mercedes, Daet South at bahagi ng Daet North.

Matatandaan na sa mga naging Press Conference ng Primewater at Camarines Norte Water District inihayag ni Branch Manager Mark Anthony Muroda na importante ang mga ganitong proyekto dahil kung walang source ng tubig ay wala ring dadaloy sa mga linya at ang kanila umanong tinitingnan din ay ang mga darating pang taon.

Ayaw na rin umano nilang maulit ang nangyari noong 2019 kung saan nagkaroon ng matinding problema sa suplay ng tubig.

Ang naturang proyekto rin umano ang sagot sa kawalan ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar kapag nagpa-partial operation ang DFF bunsod ng malakas na pag ulan.

Sa mga susunod na araw at buwan ay inaasahan ang mas madalas at malalakas pang pag ulan dahil sa amihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *