SB Basud magsasagawa ng committee meeting ngayong araw kaugnay sa hiling na suporta ng Canoreco sa franchise renewal sa 2028

CAMARINES NORTE – Nagtakda ng committee meeting ang Sangguniang Bayan ng Basud ngayong umaga para pag usapan ang hinggil sa hiling na suporta ng Camarines Norte Electric Cooperative para sa franchise renewal.

Pagkatapos nito ay babalangkas ng resolusyon ang konseho para magpahayag ng suporta sa franchise application ng naturang kooperatiba ng kuryente.

Matatandaan na humarap sa naturang konseho ang mga opisyal ng Canoreco upang hilingin ang suporta nito sa franchise application.

Sa nasabing sesyon ay ibinunyag mismo ng pamunuan ng Canoreco na mayroong dalawa hanggang tatlong pribadong kumpanya ang pumuporma para i-take over ang operasyon ng kuryente sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sabi ni Moreno kapag hindi mapigilan ang mga pribadong kumpanya sa pag take over ng mga electric cooperative, darating ang panahon na sasakupin na ng mga ito ang buong rehiyon. Sa ganitong sitwasyon lugi umano ang Canoreco at ang member consumer owners dahil gagamitin ang mga resources na ang mga kunsomidores at ang stakeholders ang nagpundar sa mahabang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *