Segregated Garbage Collection ipatutupad na ng City LGU simula bukas; dahilan ng pagka-antala ng implementasyon ng programa, nilinaw ng CENRO

Sisimulan nang ipatupad ng City LGU simula bukas araw ng Biyernes June 16, 2023 ang Segregated Garbage Collection.

Ito ang kinumpirma ni City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Supervising Environmental Management Especialist Engr. France Luigi Lugena sa panayam ng Brigada News.

Ibig sabihin kailangan nang ihiwalay ng mga residente at mga establisiyemento ang kanilang mga nabubulok sa hindi nabubulok na basura dahil hiwalay na rin ang araw ng pagkolekta sa mga ito.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng waste managemenent program ng City LGU gayundin upang maturuan at masanay ang publiko sa waste segregation.

Kabilang sa mga nabubulok  ang mga gulay at pinagbalatan nito, balat ng prutas, damo, at tira tirang pagkain habang ang mga hindi nabubulok na basura ay diaper, sanitary napkin, ceramics, styropor at iba pang mga plastic wrappers.

Nilinaw ni Lugena ang dahilan kung bakit ngayon lang nila ipinatupad ang programa sa kabila nang matagal nang mayroong sanitary landfill ang syudad.

Paliwanag nito, dati kasi ay hindi pa sila compliant sa mga requirement upang maaayos nilang maipatupad ang programa kung saan importante umano sa implementasyon ng Segregated Garbage Collection na ang pagkolekta ay predictable at reliable.

Ibig sabihin magmula sa collection vehicle ay dapat na kumpleto ang mga ito at hindi agad masisira upang tuloy tuloy na tumakbo ang programa.

Ayon dito, hindi rin kasi magiging epektibo ang implementasyon nito kung bukod sa hindi sapat ang bilang ng kanilang mga garbage truck ay sira-sira pa dahil tiyak na mawawalan lang ng gana ang publiko na magsegregate ng kanilang mga basura kung hindi rin magiging regular ang pagkolekta sa mga ito dahil sa nasabing mga kadahilanan. 

Una rito, binanggit ni Lugena na sa mga nakalipas na taon ay hindi pa kumpleto ang bilang ng kanilang mga garbage truck at karamihan umano sa mga ito ay luma na kung kaya madali rin na masira.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *